Kakaibang Cara Gonzales ang masasaksihan sa bago niyang proyekto sa Viva Films.
Dahil sa pagkakataong ito, hindi lamang sa hubaran kundi sa matinding aktingan mapapalaban si Cara sa parating niyang pelikula na ‘The Wife.’
Sa naturang pelikula, siya ay gaganap na third party sa dalawang bida na sina Diego Loyzaga at Louise delos Reyes.
“Sa story, dati kaming best friends ni Diego then matagal kaming hindi nagkita. When we meet again, married na siya, but that didn’t stop me in pursuing him hanggang magka-affair kami,” kwento ni Cara tungkol sa kanyang role.
“May love scenes kami ni Diego rito, pero mas demanding ang dramatic scenes ko rito kaysa sa hubaran scenes,” dagdag pa niya.
At dahil ito ang unang sabak niya sa matinding aktingan at drama, nagpapasalamat si Cara dahil inaalalayan siya ng kanyang mga katrabaho.
“In real life, mahinhin ako, e. Hindi ako ‘yung tipong nagagalit, kaya very challenging sa akin ‘yung eksena kasi ang galing ni Louise. Sumasabog na talaga siya sa emotions niya, so I have to level up sa husay niya,” dugtong pa ni Cara. “I can see in myself a lot of improvement sa acting ko after working with them ni Diego. Very touching ang movie at hindi lang siya tungkol sa sex kundi about love and sacrifice din, so don’t miss it when it starts streaming on February 11.”
Si Cara ay unang lumabas sa mga pelikulang ‘Pornstar 2, Pangalawang Putok’, ‘Palitan’, at ‘Hugas.’ (MJD)
‘Best of Sportalakan’ Sabong edition
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/cara-gonzales-kabit-ni-diego-loyzaga/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=cara-gonzales-kabit-ni-diego-loyzaga)
0 Mga Komento