Kailangan ng todong pagsuporta ng Department of Health (DOH) ang mga pilot province para sa implementasyon ng Universal Health Care (UHC) Act.
Kabilang dito ang dagdag-pondo para sa pagsasaayos ng mga primary health care facility at pagsasanay ng mga health worker.
Ito ang sinabi ni dating senador at Sorsogon Gov. Chiz Escudero kasabay ng kanyang pagbubunyag na hindi lahat ng 33 pilot provinces na kasama sa pagpapatupad ng UHC ay may sapat na pondo para sa kalusugan para magkaroon ng maaasahang health care provider network (HCPN) na siyang hinihingi ng UHC Law.
“Makikita sa pandemic response ng iba’t ibang lokal na pamahalaan sa buong bansa kung kaya o handa ba ang isang lokalidad para sa UHC implementation. Ang mga mayor at governor, gusto naman nilang gastusan ang kalusugan ng kani-kanilang nasasakupan pero ang tanong pa rin palagi, may sapat ba silang pera para dito?” ani Escudero.
Sa nakalipas na halos tatlong taon, ang Sorsogon, na isang pilot province, ay tuloy-tuloy sa pagsasaayos ng pundasyon nito ng HCPN at sa katunayan, ISO-certified na ang lahat ng siyam nitong public hospital subalit maraming probinsiya ang naubos ang kanilang pondo para sa paglaban sa COVID-19.
The post Chiz sa DOH: Buhusan suporta mga pilot province sa UHC law first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/chiz-sa-doh-buhusan-suporta-mga-pilot-province-sa-uhc-law/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=chiz-sa-doh-buhusan-suporta-mga-pilot-province-sa-uhc-law)
0 Mga Komento