Nahaharap sa matinding issue ang sikat na singer na si Chris Brown matapos siyang ireklamo ng isang babae sa panggagahasa.

Ayon sa reklamo ng babae na hindi pinangalanan, nangyari umano ang insidente sa isang yate na nakalaot sa bahay ng American rapper na si Diddy.

December 30, 2020 umano inimbita ang babae sa yate, at ayon sa reklamo ay may pinainom sa kanya si Chris bago mawalan ng malay.

Doon na umano siya hinubaran at ginahasa ng singer, dahilan para ireklamo niya si Chris at singilin ng $20M o tumataginting na P1B bilang bayad sa damages.

Samantala, sa Instagram story ay tila pumalag si Chris sa naturang reklamo ng babae.

“I HOPE YALL SEE THIS PATTERN… whenever im releasing music or projects,” ayon sa singer.

The post Chris Brown nireklamo sa rape, siningil ng P1B first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/chris-brown-nireklamo-sa-rape-siningil-ng-p1b/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=chris-brown-nireklamo-sa-rape-siningil-ng-p1b)