Inokray na naman ni Vice Ganda si Dra. Vicki Belo sa latest YouTube vlog ng celebrity doctor.

Sa nasabing vlog, naglaro ang dalawa kung saan huhulaan ni Belo ang kahulugan ng “beki word” na sasabihin ni Vice.

Ang rules ay tuwing magkakamali si Belo ng sagot ay hahayaan nito ang komedyante na buksan ang kahit anong drawer at pwede nito kunin ang kahit anong gusto niya.

Noong una ay nahulaan pa ni Belo ang sagot ngunit kalaunan ay natalo na ito, kaya naman inumpisahan na ni Vice ang paghahalungkat sa drawer.

Unang nakita ni Vice ay ang isang bundle na malulutong na tig-P20.

“Ang daming pera! Pero na-surprise ako. May tig-bebente ka? Dra. Vicki Belo, bumibenta ng bente pesos?” ani Vice.

Sumunod naman ay nakita ni Vice ang mga underwear ni Belo, kaya naman biniro niya ito na ibebenta niya ito sa e-commerce store.

“Collector’s Item na ‘to, mabebenta ko ‘to sa ebay ng mahal. Syempre Dra. Vicki Belo icon ‘yan sa Pilipinas,” pagbibiro pa nito.

Sa huli, nakuha rin ni Vice ang “Limited Edition” na Hermes bag ni Belo.

(Sherrylou Nemis)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

The post Collector’s Item na! Vice ibebenta bra, panty ni Belo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/collectors-item-na-vice-ibebenta-bra-panty-ni-belo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=collectors-item-na-vice-ibebenta-bra-panty-ni-belo)