Nakikita ng OCTA Research Group ang posibilidad na pumalo sa 10,000 hanggang 11,000 ang mga bagong kaso ng COVID sa Metro Manila ngayong Huwebes.
Ayon kay Dr. Guido David, sa Metro Manila magmumula ang karamihan sa 15,000 na bagong kaso na posibleng maitala ngayong araw.
Ito umano ay dahil ang daily positivity rate sa rehiyon ay umakyat na sa 45%, na malayo sa pamantayan ng World Health Organization (WHO) na 5% lamang.
Nitong Miyerkoles, ay 10,775 ang mga bagong kaso ng COVID sa bansa.
Dagdag pa ni David, sa Biyernes ay maaaring umabot pa sa 20,000 ang kabuuang bilang ng mga maitatalang bagong kaso ng virus.
Maging ang Department of Health ay nakikita rin ang posibilidad na higitan ng bilang ng mga bagong kaso sa katapusan ng Enero ang mga naitala noong kasagsagan ng Delta variant. (MJD)
Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-cases-sa-ncr-papalo-ng-11k-octa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=covid-cases-sa-ncr-papalo-ng-11k-octa)
0 Mga Komento