Niratipika ng Kamara de Representantes ngayong Lunes ang ulat ng bicameral conference committee kaugnay ng dagdag na benepisyo sa mga solo parent.
Ayon kay Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, ang nanguna sa technical working group na bumalangkas ng panukala sa Kamara, aabot sa 15 milyong solo parent ang makikinabang sa panukalang amyenda sa Solo Parent Act.
“Solo parents are not invisible citizens because we see their suffering and we act to address their woes,” sabi ni Fortun.
Sa ilalim ng panukala, bibigyan ang solo parent at isang anak nito ng full scholarship. Sila ay isasali rin sa mga bibigyan ng social safety assistance sa panahon ng kalamidad at pandemya.
Sila ay awtomatiko kasali sa National Health Insurance Program.
Ang mga solo parent na hindi lumalagpas sa P250,000 ang taunang kita ay makatatanggap din ng 10% discount at exemption sa pagbabayad ng Value Added Tax (VAT) sa pagbili ng mga pangangailangan ng bata na anim na taong gulang pababa gaya ng gatas, pagkain, supplements, diaper, gamot at bakuna. (Billy Begas)
The post Dagdag benepisyo sa mga solo parent, aprub sa Kamara first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dagdag-benepisyo-sa-mga-solo-parent-aprub-sa-kamara/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dagdag-benepisyo-sa-mga-solo-parent-aprub-sa-kamara)
0 Mga Komento