Pinangalanan ng opposition coalition ng 1Sambayan ngayong Miyerkoles ang unang pitong indibidwal na susuportahan nila para senador sa darating na halalan, kung saan kabilang dito sina reelectionist Sen. Leila de Lima at dating senador Antonio Trillanes IV.

Bukod kina de Lima at Trillanes, susuportahan din umano ng 1Sambayan sina dating Ifugao Rep. Teddy Baguilat, Atty. Chel Diokno, Sen. Risa Hontiveros, Atty. Alex Lacson at Sonny Matula.

Ang mga nasabing pangalan ay kasama din sa senatorial slate ni Bise Presidente Leni Robredo.

Ayon kay Howard Calleja, isa sa mga convenor ng 1Sambayan, sa Enero 28 ang pormal nilang pag-aanunsyo ng mga susuportahan nila para senador.

Sa nasabing petsa umano ay maaaring madagdagan pa ang pitong pangalang nabanggit. (MJD)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

The post De Lima, Trillanes swak sa senatorial slate ng 1Sambayan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/de-lima-trillanes-swak-sa-senatorial-slate-ng-1sambayan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=de-lima-trillanes-swak-sa-senatorial-slate-ng-1sambayan)