Viral ang pagtatalo nina Heart Evangelista at Sorsogon Governor Chiz Escudero sa cheeseburger.

Mayroon nang 5.4 million views sa TikTok ang video kung saan gagawa ng cheeseburger sina Heart at Chiz.

“Ipatong mo ‘yung cheese dito [sa bun], tapos i-toast na natin para beautifully mag-melt ‘yung cheese, wala pa ring burger. Habang niluluto mo ‘yung burger, ‘yun ‘yung gagawin ko. And then bubuuin natin siya all at the same time,” instruction ni Heart sa asawa.

Pero ang gusto ni Chiz ay i-melt ang cheese sa burger patty habang niluluto niya ito.

“Ilagay ‘yung cheese, isang side lang. ‘Yung isa, burger, ipapatong ko na ‘yung cheese. Tapos buuin natin, may isang cheese ito [yung bun], ito [isa pang bun] ilalagay ‘yung burger na may cheese sa ibabaw para mag-melt ‘yung cheese sigurado, tapos buuin. Pero puwede ko na ilagay ‘yung bacon,” anang governor.

Napaupo na lamang dito si Heart at nasambit sa kanyang mister, “Kung ano na lang ‘yung tamang gusto mong gawin.”

Ilang netizen ang naaliw sa mag-asawa at masyado raw intense ang debate nila samantalang burger lang ang pinag-uusapan. Biro pa ng ilan, baka mauwi pa ito sa Senate hearing.

“Gusto lang naman naming kumain ng burger. Bakit parang aabot pa sa senate hearing? Cute nila!” sambit ng TikTok account na Shuffles & Random.

“Ganito mag-usap matatalino kahit burger lang gagawin kelangan ng case study,” comment ni Jane Ronquillo.

@lme85

“Chiz Burger “ bato bato puck nalang kaya!?

♬ original sound – Heart Evangelista

The post Debate nina Heart, Chiz sa cheeseburger super trending first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/debate-nina-heart-chiz-sa-cheeseburger-super-trending/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=debate-nina-heart-chiz-sa-cheeseburger-super-trending)