Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, nagsagawa na lang ng mobile procession para sa pagdiriwang ng kapistahan ng Senyor Santo Niño de Cebu.

Nagdagsaan naman ang mga deboto sa kalye na naging ruta ng banal na imahen.

Dumaan ang imahen sa mga siyudad ng Talisay, Mandaue, Lapu-lapu at Cordova.

Kahit madilim sa kalsada, dahil sa hindi pa rin naibabalik ang ilang suplay ng kuryente matapos ang hagupit ng Bagyong Odette, hindi nagpatinag ang mga deboto at nagsindi ang mga ito ng kandila.

Samantala, ayon sa mga ito, malaki pa rin ang pasasalamat nila sa imahen dahil hindi sila nito pinabayaan sa gitna ng pinsalang hatid ng Bagyong Odette.

The post Deboto dinagsa pista ng Sto. Niño sa Cebu first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/deboto-dinagsa-pista-ng-sto-nino-sa-cebu/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=deboto-dinagsa-pista-ng-sto-nino-sa-cebu)