Paunti-unting inaayos ng mag-amang Dennis Padilla at Julia Baretto ang kanilang relasyon matapos na magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa.
Ayon kay Dennis sa virtual media conference ng “Sanggano, Sanggago’t, Sanggwapo: Aussie!Aussie! O Sige,” parang nagsisimula ulit ang mag-ama.
“Okay naman, although para kaming nagsisimula ulit,” sagot ng aktor sa tanong na kamusta ang usapan nila.
“Galing kami sa misunderstanding so ngayon nagsisimula pa lang kami, one (step) at a time, building it up again,” paliwanag nito.
Ani Dennis, plano nila ni Julia ang magkita sa personal pagkatapos ng Bagong Taon.
“Siguro kami nina Julia, after New Year na kami magdi-dinner kasi she’s so busy rin and may mga business pa sila on the side. Eh, busy rin ako dahil I’m campaigning, lalo nitong November, December, so sabi ko after the Christmas season, January,” paliwanag ng aktor.
Dagdag pa nito, upang magkaroon ng pagkakaintindihan ay dapat mayroong bukas na komunikasyon ang bawat isa.
“Kailangan lang talaga, open yung communication para lahat ng mga nararamdaman mo, nasasabi mo agad, hindi napupuno so ganoon din sa side nila. Kailangan lang yung communication ninyo tuluy-tuloy para meron kayong magandang pag-uusapan, may magandang pupuntahan yung topic ninyo,” saad ni Dennis.
The post Dennis Padilla sa relasyon nila ng anak: One step at a time pagbuo first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dennis-padilla-sa-relasyon-nila-ng-anak-one-step-at-a-time-pagbuo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dennis-padilla-sa-relasyon-nila-ng-anak-one-step-at-a-time-pagbuo)
0 Mga Komento