Nagpaalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Miyerkoles na hindi tatanggapin sa kanilang mga tanggapan, partikular sa kanilang mga passport service center sa mga mall ang mga indibidwal na hindi pa bakunado laban sa COVID.

Paglilinaw ng DFA, ang mga mall na nasa lugar na nasa Alert Level 3 ang nagpasya na huwag tumanggap ng mga ‘di bakunadong indibidwal.

Ang ahensya ay may mga consular office at Temporary Off-Site Passport Services (TOPS) sa ilang mga mall.

“The [DFA]…informs the public that its Consular Offices (COs) and [TOPS] located in malls in areas where at least Alert Level 3 is raised will not be able to accommodate unvaccinated individuals, including minors, due to the restrictions imposed by their host malls barring the entry of unvaccinated persons,” saad ng ahensya.

“Consular Offices are unable to override the host malls’ security and health protocols,” dagdag pa nito.

Damay sa panuntunan ang mga menor de edad.

Kaya naman, inabisuhan ng DFA ang mga ‘di bakunadong aplikante na i-check muna ang panuntunan ng mga mall.

Gayundin, ang mga may appointment na na apektado ng patakaran ay maaaring ipa-reschedule ang kanilang appointment kapag nabago na ang panuntunan o kapag sila ay nabakunahan na laban sa COVID.

Sa ngayon, ang mga lugar na nasa Alert Level 3 ay NCR, Bulacan, Cavite at Rizal.

The post ‘Di bakunado bawal muna sa ilang tanggapan ng DFA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/di-bakunado-bawal-muna-sa-ilang-tanggapan-ng-dfa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=di-bakunado-bawal-muna-sa-ilang-tanggapan-ng-dfa)