Nagtala ang Department of Health (DOH) ng 85 sugatan dahil sa pailaw at paputok sa pagsalubong sa taong 2022.
Sa press briefing sa East Avenue Medical Center, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, na 11 porsiyento itong mababa kumpara sa 96 kaso na naitala noong 2020.
Ngunit aniya, maaari pang tumaas sa susunod na mga araw ang mga bilang ng kaso dahil sa mga huling report at consultation.
Dagdag niya, sa Metro Manila ang may pinakamaraming nai-record na fireworks-related injury sa 36%, na karamihan ng mga nasugatan ay mga nagdaan lang o bystander sa 58%.
38 naman ng mga kaso ay mula sa mga ipinagbabawal na paputok at nangunguna rito ang boga, kasunod ang five star at piccolo.
Samantala, hanggang nitong Sabado ng umaga ay wala pa aniyang naitalang nasugatan o namatay dahil sa stray bullet o nakalunok ng paputok.
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-bilang-ng-mga-naputukan-bumaba/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-bilang-ng-mga-naputukan-bumaba)
0 Mga Komento