Nananatili sa critical risk ang bansa, partikular ang Metro Manila at limang rehiyon dahil sa COVID-19 kahit pa bahagyang bumagal ang daily growth rate ng kontaminasyon ng virus.

Ito ang inireport ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang regular Talk to the People.

Ayon kay Duque, ang Omicron variant ang nagpapataas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 dahil sa mabilis na pagkalat nito.

“Ang atin pong bansa ay gaya ng nasabi ko, nasa critical risk case classification na mayroon pong 34,923 seven day moving day average of reported daily cases, samantalang 1,805 percent two-week growth rate, mataas po ito,” ani Duque.

Ang National Capital Region at mga karatig-lalawigan umano ang may pinakamalaking naiambag sa numero.

“The top provinces which contribute to the cases, ang pinakamalaki Laguna, nasa 3,400; Cavite 2,800 plus, Quezon City nasa 2,842,” dagdag ni Duque.

Ang limang rehiyon na nasa critical risk din ayon sa kalihim ay ang Cagayan Valley sa Region II, Ilocos Region, Calabarzon, Cordillera Administrative Region at Central Luzon. (Aileen Taliping)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

The post DOH: ‘Pinas critical risk pa rin sa COVID-19 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-pinas-critical-risk-pa-rin-sa-covid-19/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-pinas-critical-risk-pa-rin-sa-covid-19)