Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development-Central Visayas (DSWD-7) na hindi lahat ng mga naapektuhan sa Bagyong Odette ay makatatanggap ng cash assisstance.

Sinabi ng DSWD-7 assistant regional director for operations na si Shalaine Lucero, hindi sapat ang budget para mabigyan ng P5,00 ang 475,022 apektadong pamilya sa Cebu Province.

Aniya, hindi alam ng kanilang ahensya kung saan makakakuha ng sapat na budget para mabigyan lahat ng nangangailangan.

“We just receive instructions from the Office of the President that we give to all affected families and individuals. When we received the instructions even us were shocked, where will we source the P5,000?,” ani Lucero sa meeting kasama ang mga Cebu mayors at ilang government agencies.

Dagdag pa ni Lucero, hindi bababa sa P4 bilyon ang kailangan para mabigyan ang bawat pamilya ng tig-P5,000 ngunit aniya walang pera ang ahensya para mailaan dito.

Ayon pa kay Lucero, uunahin umano nila ang mas nangangailangan.

“We will start with those who needed it the most,” saad nito. (Sherrylou Nemis)

Abantelliling with Ritz Azul

The post DSWD: Mga biktima ni ‘Odette’ hindi lahat makakatanggap cash aid first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dswd-mga-biktima-ni-odette-hindi-lahat-makakatanggap-cash-aid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dswd-mga-biktima-ni-odette-hindi-lahat-makakatanggap-cash-aid)