Nagtamo si Brooklyn Nets star Kevin Durant ng sprained MCL sa kanyang kaliwang tuhod at pinangangambahang mawawala sa lineup ng mula apat hanggang anim na linggo.

Ang injury ay nadiskubre sa imaging nitong Lunes, matapos masaktan si Durant noong Sabado.

Kaya naman, sa tantya ng Brooklyn, muling makakalaro si Durant pagkatapos ng All-Star week sa Pebrero 18-23.

Nabagsakan ng kanyang kakampi na si Bruce Brown ang tuhod ni Durant sa second quarter ng kanilang huling laban. Ngunit nakahinga na rin nang maluwag ang Brooklyn dahil hindi mas malalang injury ang tinamo ng kanilang superstar.

Naga-average si Durant ng 29.3 points, 7.4 rebounds at 5.8 assists para sa Nets, na 27-15 ang kartada.

Sa magiging pagkawala ni Durant, aasahan ang pagbubuhat ni James Harden, habang ang tulong na maibibigay ni Kyrie Irving ay darating lamang sa kanilang mga road game.

The post Durant garahe ng 4 hanggang 6 na linggo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/durant-garahe-ng-4-hanggang-6-na-linggo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=durant-garahe-ng-4-hanggang-6-na-linggo)