Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanan, partikular sa mga botante na huwag iboto sina Senador Dick Gordon at Senador Francis “Kiko” Pangilinan at huwag ibalik sa senado kaugnay sa darating na eleksiyon.
Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na matagal na sa senado ang mga ito at parehong hindi ginamit ang kanilang mga utak.
Partikular na tinukoy ng Presidente ang batas na ginawa ni Pangilinan kung saan kinukunsinti aniya ang mga menor de edad na gumawa ng krimen dahil hindi maipakulong ang mga ito kahit nakagawa ng kasalanan.
“Actually, huwag kayong bumoto. Dalawa lang ‘yan: Gordon pati Pangilinan. Matagal na ‘yan diyan sa Senado. Tanggalin ninyo ‘yan kay ‘yan talaga ang mga… Ito si Gor — si… Ah pareho lang utak. Ito si Pangilinan talagang hindi niya ginamit ‘yung utak niya. Eh nag-seminar sa Harvard eh, papaano ‘yan? Pagbalik, American Law na,” anang Pangulo.
Pinagbasehan aniya ni Pangilinan ang batas ng Amerika na kapag nagkasala ang mga menor de edad ay dinadala sa halfway house na wala naman ang Pilipinas.
“Ang sa American Law, the minors are not released back to the streets. There is a halfway house where they are detained there until a judge will decide na… Sinunod niya ang batas ng Amerikano. Wala man tayong halfway house, so anong ginawa? Dito ‘pag naaresto, they are brought to the DSWD,” dagdag ng Pangulo.
Kaya aniya ayaw arestuhin ng mga pulis ang nagkasalang mga menor de edad dahil pakakawalan din ang mga ito bunsod ng batas na ipinasa ni Pangilinan.
Sinabi ng Pangulo na ito ang dahilan kaya maraming mga menor de edad and malakas gumawa ng krimen dahil sa paniwalang hindi sila makukulong.
“Galit ako kay Pangilinan actually. Hindi galit na ano, hindi galit na… Ganoon talaga ako ‘pag… Nasanay mayor eh na ‘yung — helpless. Helpless ang public, helpless ang gobyerno. It’s actually Catch-22. ‘Pag inaresto mo, ang pulis ang — ikulong niya,” wika ng Pangulo.
Sa isyu naman kay Senador Gordon, hindi nagustuhan ng Presidente ang paulit-ulit at pilit na pag-uugnay sa kanya ng senador sa mga iniimbestigahang personalidad kaugnay sa mga biniling medical supply ng gobyerno para magamit sa COVID-19.(Aileen Taliping)
Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-sa-publiko-gordon-pangilinan-tanggalin-sa-senado-wag-iboto/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-sa-publiko-gordon-pangilinan-tanggalin-sa-senado-wag-iboto)
0 Mga Komento