Rumesbak si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa naging desisyon ng Philippine Athletic Track and Field Association (Patafa) na alisin siya sa national team at kasuhan ng estafa, at nanindigan na malinis ang kanyang pangalan sa mga isyung ibinabato sa kanya.

Sa isang statement na inilabas ng atleta sa kanyang social media account, sinabi nito na handa siyang harapin ang mga akusasyon upang mapatunayan na walang basehan ang mga binabato sa kanya ng Patafa, na pinamumunuan ni Philip Ella Juico.

“I am ready for everything that Philip Juico and the PATAFA will throw at me as their intention now is finally clear, they want me out of the Philippine Team and they don’t want me to jump for the Philippines. They should have just said this two months ago and saved everyone a lot of time and grief,” saad ni Obiena sa kanyang pahayag.

Gayundin, sinabi ng pole vaulter na mas pinagtutuunan niya ng pansin ang mga parating na torneo at ipagkakatiwala sa kanyang legal team ang pagasikaso sa kasong estafa.

“I will leave everything now to my legal team. I will focus on training and jumping. My season will start in less than a month. The drama brought about by this witch hunt has taken valuable time, effort and energy away from my training and preparation. I have a small window to save my season and I do not want to be distracted any further by Philip Juico and the PATAFA,” wika pa ng atleta.

Sa kabila ng lahat, desidido si Obiena na irepresenta ang Pilipinas sa kanyang isport.

“I do not jump for Mr. Philip Ella Juico or the PATAFA. I jump for my beloved nation.”

Sa huli, nagpasalamat si Obiena sa mga taong sumusuporta at nagtitiwala sa kanya, at umaasa siyang magtatagumpay ang katarungan sa bandang huli.

The post EJ Obiena: ‘Tumatalon ako para sa ‘Pinas, ‘di para kay Juico’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ej-obiena-tumatalon-ako-para-sa-pinas-di-para-kay-juico/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ej-obiena-tumatalon-ako-para-sa-pinas-di-para-kay-juico)