Pumanig ang senatorial aspirant na si Atty. Larry Gadon kay pole vaulter EJ Obiena sa gitna ng isyu na kinasasangkutan nito sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).
Matatandaang inirekomenda ng PATAFA na alisin sa national team si Obiena at kasuhan ng estafa, kaugnay sa ‘di pagpapasahod sa kanyang coach at maling paggastos sa kanyang milyong pisong allowance.
Sa kabila nito, isa si Gadon sa mga naniniwala na inosente si Obiena at hindi dapat maalis sa national team.
“I support our National Athlete EJ Obiena whose coach, Vitaly Petrov, had already cleared him of any wrongdoing in the payment of his coaching fees. We salute you EJ for showing your continued loyalty and dedication to represent our country,” saad sa pahayag ni Gadon noong Miyerkoles.
Ang senatorial aspirant, na unang sumikat sa kanyang ‘Mga bobo’ meme, ay naniniwalang hindi bobo si Obiena.
“EJ, ipagpatuloy mo lang ang maganda mong ginagawa para sa bayan at alam namin na hindi ka bobo,” ani Gadon.
The post Gadon proud kay Obiena: ‘Hindi ka bobo’ first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gadon-proud-kay-obiena-hindi-ka-bobo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=gadon-proud-kay-obiena-hindi-ka-bobo)
0 Mga Komento