Kabilang sina Atty. Larry Gadon at dating presidential spokesperson Harry Roque sa 10 indibidwal na pambato ng UniTeam para maging senador sa halalan sa Mayo.

Matatandaang si Gadon ay pinatawan ng suspensyon ng Korte Suprema kaugnay ng masasakit na salitang binitawan nito laban sa reporter na si Raissa Robles.

Samantala, si Roque ay nagsilbing tagapagsalita ng Duterte administration at nagdesisyong tumakbo nang pumayag si Mayor Sara Duterte-Carpio na kumandidatong bise presidente.

Sasamahan nina Gadon at Roque sa senatorial slate ng UniTeam sina Sen. Migz Zubiri, Rep. Rodante Marcoleta, ex-DPWH Sec. Mark Villar, Rep. Loren Legarda, Jinggoy Estrada, Gibo Teodoro, Sen. Sherwin Gatchalian at Herbert Bautista.

Ang UniTeam ay ang koalisyon ng tandem nina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at ni Mayor Sara.

The post Gadon, Roque swak bilang pambato ng ‘UniTeam’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gadon-roque-swak-bilang-pambato-ng-uniteam/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=gadon-roque-swak-bilang-pambato-ng-uniteam)