Kanya-kanyang suot ng Spider-Man costume ang mga taga-hanga ng superhero sa mga sinehan kung saan pinapalabas ang ‘Spider-Man: No Way Home.’

Ngunit umagaw ng pansin ang isang larawan sa isang sinehan kung saan may isang manonood na nag-effort mag-costume ngunit hindi ‘Spider-Man,’ kundi ‘Gagamboy.’

Kuha ang larawan ng Columbia Pictures Philippines na habang sinusulat ang istoryang ito ay humakot na ng mahigit 97,000 reaction at 15,000 shares.


Si ‘Gagamboy’ ay ang Filipino movie na hinango kay ‘Spider-Man.’ Ipinalabas ito noong 2004 at pinagbidahan ni Vhong Navarro.

Ang malupit pa dito, binitbit din ni ‘Gagamboy’ sa panonood ng pelikula ang kanyang kalaban na si ‘Ipisman.’

The post ‘Gagamboy’ lumitaw sa screening ni Spider-Man first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gagamboy-lumitaw-sa-screening-ni-spider-man1/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=gagamboy-lumitaw-sa-screening-ni-spider-man1)