Hindi lang pang-bata at pang-sexy ang TikTok dahil mismong ang beteranang aktres na si Gina Pareño ay nakahakot na ng mahigit 1.7 milyon follower sa naturang social media app.

Si Pareño ay may username na @yourlolagets o Lola Bagets sa TikTok at mabenta sa kanyang mga sayaw, video kasama ang mga hayop, at iba pang pang-good vibes na TikTok video.

“Ang mahirap lang naman ’yung pagliligpit mo … pero pag oras na kinukunan ka sa TikTok, masaya, nakakaaliw,” saad ni Pareño sa ulat ng 24 Oras noong Miyerkoles.

Isa ang kapwa aktres na si Dexter Doria sa mga ‘di na nagulat sa pagiging ‘TikTokerist’ ni Pareño, na 72-anyos na.

“Alam mo si Gina bata pa kami, nagpupunta kami sa disco niyan, ang galing sumayaw niyan,” saad ni Doria.

“Malaking bagay ’yung Tiktok, nakakalibang, lalo na sa panahon ngayon. Tsaka, ’yon, nakaka-arte ka,” dagdag pa ni Pareño. (MJD)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

The post Gina Pareño galawang bagets, patok sa TikTok first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gina-pareno-galawang-bagets-patok-sa-tiktok/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=gina-pareno-galawang-bagets-patok-sa-tiktok)