Kung sina Philippine Basketball Association legends Jerry Cordiñera at Gerry Esplana ang tatanungin, pabor silang ituloy ang 46th PBA 2021-22 Governors’ Cup na hinintoto noong Enero 5dahil sa pagtaas ng COVID-19 infection sa bansa.

Ipinahayag noong Martes ni league commissioner Willie Marcial na magmi-meeting pa ang liga sa susunod na linggo upang desisyunan ang kapalaran ng import-laden conference.

“Ako, malakas ang pakiramdam ko na itutuloy ang PBA,” sey ni Cordiñera sa Abante Sportalakan Miyerkoles kasama si host Sarah Jireh Asido.

“Unang-una, ang tanong, papaano kung ang Omicron mataas ang datos, taas pa? Let’s say abutan ng two or three years ‘yan, hihinto rin ba ang basketball ng 2-3 years? ‘Di a. Siguro, we just have to live through it. Matinding pag-iingat na lang and to find ways para ma-secure, mahigpitan ang bubble set up kung maaaprubahan ng IATF ang ruling na home-venue-home o home-practice-home,” dagdag ng veteran coach.

Hinirit pa ng ‘Defense Minister’, “Sa akin, ituloy lang kasi number one, maganda ang form of entertainment. ‘Wag sanang mawala ang PBA kasi its a big let down sa mga kababayan natin kung ihihinto natin yan saka I’m sure itutuloy nila ‘yan. And never nagkaroon ng stoppage ang PBA. Siguro iiksian conference, pero hindi nila ii-stop yan.”

Ayon naman kay Esplana, matindi ang gagawing pagtitimbang ng liga sa sitwasyon lalo pa’t ngayong may mataas ang kaso ng pandemiya.

“Hindi kasi natin alam ang galaw ng virus, lalo na itong si Omicron,” litanya ni Esplana. “Titimbangin nila ‘yan eh, syempre they owe it to the people. Hindi naman magiging successful si PBA for so many years kung hindi rin sa mga tumatangkilik.”

Pinanapos ni Esplana, “Ituloy pero ‘wag paura-urada, tignan muna natin. Timbangin nila hindi nila pwedeng i-scrap eh, kailangan nilang ituloy.” (

The post Govs’ Cup ituloy – Cordinera, Esplana first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/govs-cup-ituloy-cordinera-esplana/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=govs-cup-ituloy-cordinera-esplana)