Maswerteng nahulaan ng isang mananaya mula sa Tabaco City, Albay ang winning combination sa Grand Lotto 6/55 draw noong Sabado, kung saan mahigit P65 milyon ang kanyang maiuuwi.

Ayon sa anunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Linggo, tinamaan ng mananaya ang kumbinasyon na 39-29-09-21-19-20.

Kaya naman, mapapasakanya ang P65,991,571.

Para makuha ang premyo, kailangan niyang magpunta sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong at dalhin ang winning ticket at dalawang valid ID.

Ito na ang ikatlong beses ngayong buwan na may solong nagwagi ng jackpot sa lotto.

Matatandaang noong Biyernes lang ay sabay nakuha ang jackpot sa Mega Lotto 6/45 at Ultra Lotto 6/58.

The post Grand Lotto jackpot nasolo ng taga-Albay first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/grand-lotto-jackpot-nasolo-ng-taga-albay/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=grand-lotto-jackpot-nasolo-ng-taga-albay)