Inireklamo ng grupong Teacher’s Dignity Coalition (TDC) ngayong Lunes na may ilang guro na nawalan ng aabot sa mahigit P100,000 matapos ma-hack ang kanilang mga Landbank account.

Ayon sa ulat ng TDC, nawala ang kwarta matapos ma-transfer mula sa kanilang mga Landbank account papnta sa ibang mga banko o electronic wallet.

Ang halagang nawala sa ilang mga guro ay mula P26,000 hanggang P121, 000.

“Nagtitiwala kami sa Landbank na secured ang bawat account ng mga guro at empleyado, kahit pa sa online banking system nila, pero bakit may mga ganitong pangyayari?” ani TDC chair Benjo Basas.

Aniya, ipinaalam na nila sa Department of Education (DepEd) ang naturang pangyayari.

“Hindi po ito biro kasi malaking halaga na para sa aming mga guro ang isang buwang sahod o ang aming bonus, lalong masakit kung ang pinag-ipunan mong pera nang matagal ay mawawala nang ganun na lang,” dagdag pa niya.

Naniniwala rin si Basas na dapat managot ang Landbank dahil sa naturang insidente. (MJD)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

The post Grupo umalma: Bank account ng ilang guro nadale rin ng hacker first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/grupo-umalma-bank-account-ng-ilang-guro-nadale-rin-ng-hacker/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=grupo-umalma-bank-account-ng-ilang-guro-nadale-rin-ng-hacker)