Muling nag-flex ng kanyang muscle si Hidilyn Diaz ngunit hindi para magbuhat ng barbell kundi para gayahin ang pormahan ni Luisa Madrigal mula sa Disney film na ‘Encanto.’

Sa kanyang mga Instagram story, ginaya ni Hidilyn ang kasuotan at ang isang pose ni Luisa kung saan naka-flex ang biceps nito.

“Tinatry ko maging Luisa Madrigal kasi sabi niyo ako ‘yun, kaso waley di pasok makeup, hair and outfit ko,” saad ni Hidilyn sa kanyang story.

 

Sa pelikulang Encanto, si Luisa ay may kakaibang lakas, kung saan kaya nitong bumuhat ng mga gusali at mga tulay.

 

Bagamat hindi kayang bumuhat ng mga gusali at tulay, mabibigat din ang kayang buhatin ni Hidilyn, patunay na rito ang pagwagi niya ng ginto sa weightlifting event ng Tokyo Olympics noong nakaraang taon.

The post Hidilyn Diaz nilabas ang pagiging ‘Luisa Madrigal’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hidilyn-diaz-nilabas-ang-pagiging-luisa-madrigal/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=hidilyn-diaz-nilabas-ang-pagiging-luisa-madrigal)