Nakumpiska ang higit P5 milyong halaga ng hinihinalang ecstasy tablet sa Quezon City nitong Sabado.
Arestado naman sa isinagawang operasyon ang dalawang babae.
Ayon sa imbestigasyon, inabisuhan umano ng customs official sa China ang Philippine Drug Enforcement Agency tungkol sa isang package na hinihinalang may laman na iligal na droga na galing sa Netherlands.
Matapos isailalim sa examination, nakitang naglalaman ito ng mga ecstasy tablets.
Dahil dito, nagsagawa ng controlled delivery operation ang mga awtoridad at dito na naaresto ang dalawang babae na tumanggap ng package. (Sherrylou Nemis)
Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/higit-p5m-ng-ecstasy-nasabat-sa-qc-2-babae-arestado/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=higit-p5m-ng-ecstasy-nasabat-sa-qc-2-babae-arestado)
0 Mga Komento