Naka-isolate ngayon sa kaniyang bahay ang Mega Star na si Sharon Cuneta matapos magpositibo ng kaniyang asawa na si Vice Presidential aspirant Kiko Pangilinan sa COVID-19.

Sa Instagram post ni Mega Star, bagama’t negatibo ang lahat sa kanilang bahay sa antigen test, kinakailangan pa rin nilang hintayin ang resulta ng kanilang RT-PCR test.

“Last night, I tested negative on my antigen. Kiko tested positive on his RT-PCR test results. This morning, all of us at home tested negative on antigen. A couple of days or so to see this morning’s RT-PCR test results — all of ours,” caption ni Sharon sa Instagram.

https://www.instagram.com/p/CYgFhN2lPa2/?utm_medium=copy_link

Dagdag ni Sharon, hindi lang siya ang naka-isolate, maging ang kaniyang pamilya rin.

“We are all isolating in different parts of our home,” dagdag pa nito.

Hindi rin maiwasan ni Sharon na mag-alala para sa kaniyang mga anak at mga kasambahay.

Hindi rin daw ito ang inaasahan niyang regalo para sa kaniyang birthday.

“I worry for my children. Please pray for us all, including our beloved Yayas. So not the birthday gift I expected,” pahayag pa nito.

Matatandaang nagdiwang si Sharon ng kaniyang ika-56 na kaarawan nitong Enero 6 lang.

The post Hindi inaasahang regalo: Sharon naka-isolate nang magpositibo asawa sa Covid first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hindi-inaasahang-regalo-sharon-naka-isolate-nang-magpositibo-asawa-sa-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=hindi-inaasahang-regalo-sharon-naka-isolate-nang-magpositibo-asawa-sa-covid)