Papangalanan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinaka-corrupt na kandidato sa pagkapangulo bago dumating ang Eleksyon 2022.
Aniya, obligasyon niyang ipaalam sa mga Pilipino ang mga bagay na alam niyang makakatulong sa kanilang pipiliing presidente.
“In due time… I will personally name the candidates and maybe what’s wrong with them na kailangang malaman ng tao because you are electing the president. Sino yung pinaka-corrupt na kandidato,” ani Duterte sa Talk to the People.
Dagdag pa ni Duterte, ang kanyang hakbang ay hindi isang uri ng pamumulitika, bagkus ay ipinaalam lamang niya umano sa publiko ang nalalaman batay sa mga impormasyong natanggap at sa sariling karanasan.
“Hindi ako namumulitika, I’m talking to you as your president… Ito kailangan ilalabas ko because we are talking of elections. We are talking of our country and the next rulers so to say,” dagdag nito.
Wala namang binanggit na pangalan ang Pangulo, ngunit paulit-ulit niyang idiniin na hindi niya ito ginagawa para sa pamumulitika.
“Nakita ko lang. Hindi ako nagsabi na marunong ako. From observation, parang taong nakainom. Malaman mo, medya sumobra siya sa limit ng botelya na kaya nya. Tapos mag-away, tapos magtapang magsalita, masakit. Akala niya may utang ang tao sa kanya, ganun yan eh,” paliwanag nito.
Samantala, wala pang nililinaw si Duterte kung kailan pangalanan ang kandidatong korup. Gayunman, bahala na aniya ang mga botante na humusga kung totoo o hindi ang kaniyang ibunbunyag. (Sherrylou Nemis)
Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hindi-namumulitika-duterte-sisiwalat-pinaka-corrupt-na-kandidato-bago-eleksyon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=hindi-namumulitika-duterte-sisiwalat-pinaka-corrupt-na-kandidato-bago-eleksyon)
0 Mga Komento