Pinag-aaralan ng Department of Transportation kung maaring gawing vaccination site ang apat na istasyon ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3).
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, ang mga pasilidad ng pagbabakunahan ay kinakailangan pa rin ng pag-apruba ng Department of Health.
“The vaccination facilities that we will put up …will be in accordance with the details, policies, and requirements of the DOH,” ani Tugade sa Talk to The People ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang apat na istasyon ng MRT-3 na nais gawing vaccination site ay sa Ayala, Boni, Shaw Boulevard, at Cubao.
Samanatala, sinabi rin ni Tugade na bukod sa mga istasyon ng MRT3, pinaplano rin aniya ng DOTr na maglagay ng mga vaccination site sa paliparan at mga daungan. (Sherrylou Nemis)
Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ilang-istasyon-sa-mrt-nais-gawing-vaccination-site/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ilang-istasyon-sa-mrt-nais-gawing-vaccination-site)
0 Mga Komento