Nadagdagan ang listahan ng mga lungsod at lalawigan na nasa Alert Leverl 3 matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force ang rekomendasyon ng paghihigpit dahil sa mabilis na pagtaas ng mga tinatamaan ng COVID-19.
Batay sa inilabas na anunsiyo ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles, ang mga inilagay sa Alert Level 3 ay ilang lugar sa Region 1, 2, 3, 4-A, 5, 6 at 7.
Kabilang dito ang Baguio City; Santiago City; Cagayan; Angeles City; Bataan; Olongapo City; Pampanga; Zambales; Batangas; Lucena City; Naga City; Iloilo City; at Lapu-lapu City.
“The Inter-Agency Task Force (IATF) approved today, January 6, 2022, the recommendation of its sub-Technical Working Group on Data Analytics to escalate the following cities and provinces to Alert Level 3, ” ani Nograles.
Magiging epektibo ang Alert Level 3 simula January 9 hanggang January 15, 2022.
Nauna nang inilagay sa Alert Level 3 ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna dahil sa mabilis na pagkalat ng kontaminasyon ng Omicron COVID variant. (Aileen Taliping)
‘Best of Sportalakan’ Sabong edition
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ilang-lalawigan-lungsod-inilagay-sa-alert-level-3-dahil-sa-pataas-kaso-ng-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ilang-lalawigan-lungsod-inilagay-sa-alert-level-3-dahil-sa-pataas-kaso-ng-covid)
0 Mga Komento