Hindi na kayang i-accomodate ng ilang pribadong ospital ang mga pasyenteng may COVID-19 dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso.

Pero nilinaw ni Dr. Jose Rene de Grano, Pangulo ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. na hindi nagsasara ang mga pribadong ospital, bagkus ay sinasabihan ang mga pasyente na hindi na kaya ng kanilang bed capacity ang tumanggap pa ng dagdag na pasyente.

“Hindi po naman nagsasara, ina-advise lang po nila ang mga pasyente na pag kulang na yung kama para sa COVID at kulang na sa healthcare workers dahil nagkakasakit na rin, sinasabi po nila na puno na sila at hindi na kayang i-accomodate ‘yung additional dahil kulang na yung staff. ‘Yun po ang nangyayari,” ani de Grano.

Wala pa naman aniyang nagsasarang mga pribadong ospital pero nasa critical occupancy na ang mga ito o halos puno na sa dami ng pasyenteng may COVID-19.

“Yung mga report namin sa National Capital Region, wala naman pong nagsarang hospital, meron lang critical ang occupancy level more than 85%. Meron po tayong mga around 15-20 malalaking hospitals na nandon na sa capacity level na ang ibig sabihin halos puno na po ‘yon,” dagdag ni de Grano.

Marami na rin aniyang private hospitals na nasa high risk level sa bed capacity pero hindi ibig sabihin ay magsasara ang mga ito.

“Ang high risk niyan 70 percent or more, dito sa NCR around 15 -20 private hospitals,” wika ni de Grano.(Aileen Taliping)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

The post Ilang pribadong opsital hindi na tumatanggap Covid patient first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ilang-pribadong-opsital-hindi-na-tumatanggap-covid-patient/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ilang-pribadong-opsital-hindi-na-tumatanggap-covid-patient)