Matapos makaranas ng problema ang kanyang mga customer sa binebenta niyang cochinillo nitong holiday season, hindi na tatanggap pa ng delivery para sa naturang pagkain si Marvin Agustin.
Matatandaang inulan ng reklamo ang cochinillo ni Agustin, dahilan para maglabas din siya ng public apology.
Gayunman, tuloy ang negosyo para sa artista at hindi ito papatinag sa kinaharap na problema.
“Moving forward, after this holiday. We will go back to our old-style of operations that we won’t be able to arrange delivery anymore for our customers, as this is not our core competency,” saad ng aktor sa kanyang Instagram post.
“Our COCHI quality is best enjoyed straight from the oven, delivery conditions is something beyond our control,” paliwanag pa ni Agustin.
Ang problema sa delivery ang isa sa mga dahilan kaya pumalpak ang cochinillo ni Agustin noong pasko.
Sa ngayon, positibo ang aktor na makakabangon ang negosyo at muling tatangkilin ang naging kontrobersyal na cochinillo.
“We live and we learn to fight another day. We are roasting now your COCHI orders,” wika pa ni Agustin. “We have prepared and gave our all to make everything good. Enjoy the COCHI we all worked hard for to give you a delicious experience.” (mjd)
The post Iwas-sablay! Cochinillo ni Marvin Agustin ‘di na ipapadeliver first appeared on Abante TNT Breaking News.
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/iwas-sablay-cochinillo-ni-marvin-agustin-di-na-ipapadeliver/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=iwas-sablay-cochinillo-ni-marvin-agustin-di-na-ipapadeliver)
0 Mga Komento