Matapos magtrending sa kanyang unang TikTok video ay muling nagpakilig si Joshua Garcia.
Nitong Linggo ay muling nagpost sa TikTok si Joshua, kung saan gumiling siya sa tugtog na ‘seeing triple edit – kendall.’
Trending agad ang bagong post ng aktor na humakot ng mahigit 4.4 milyon likes, at mahigit 25 milyon beses nang napanood sa naturang app.
Kilig din ang mga follower ni Joshua sa bago niyang post.
“Bagong taon bagong trend from Joshuaaaaaa!” komento ni RM Enrico.
“Joshua lang ang tala ang sakalam,” saad ni Berniecular Vlogs.
“Mas malinis pa kamay mo kesa sa ukha kooo,” wika ni Argie Roquero.
Ang unang TikTok video ni Joshua na kanyang pinost noong Disyembre ay mahigit 68 milyong beses nang pinanood sa naturang app.
Sa ngayon, ang aktor ay may mahigit 3.3. milyon follower sa TikTok. (mjd)
Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/joshua-garcia-nagpakilig-sa-ika-2-tiktok-video/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=joshua-garcia-nagpakilig-sa-ika-2-tiktok-video)
0 Mga Komento