Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong Lunes na lahat ng manggagawa na nawalan ng trabaho o nasuspinde dahil sa pagpapatupad ng Alert Level 3 ay swak sa ibibigay na P5,000 ayuda.
Ito ay kahit ang empleyado ay regular, contractual, casual o nasa probationary status pa lang.
“Lahat po ng uri ng manggagawa regardless of employment status, puwede po ‘yung permanent, contractual, casual, on probation po, or kahit ‘yung agency-hired po na employed din po sa principal,” pahayag ni DOLE Undersecretary Dominique Tutay.
Aniya, inaasahan umano nilang nasa 200,000 empleyado mula Metro Manila at mga kalapit na lugar ang lalapit para sa naturang ayuda.
Ngayong Lunes din ang umpisa ng pag-aapply para makuha ang ayuda.
Matatanggap umano ang pera dalawang linggo matapos isumite ang aplikasyon.
Para mag-apply, kailangan lamang i-submit sa https://reports.dole.gov.ph ang:
1. Larawan ng empleyado hawak ang isang valid ID
2. Naka-notaryong sertipiko gaya ng Certificate of Employment, Notice of Termination, Notarized Affidavit of Termination of Employment, o Notice of Temporary Lay-off na ang petsa ay epektibo sa pagpapatupad ng Alert Level 3. (MJD)
““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kahit-di-pa-regular-empleyadong-nadale-ng-alert-level-3-may-ayuda-dole/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kahit-di-pa-regular-empleyadong-nadale-ng-alert-level-3-may-ayuda-dole)
0 Mga Komento