Ipinaliwanag ng aktro at ex-Pinoy Big Brother housemate na si Albie Casiño na wala pa itong oras sa pag-ibig.

Sa isang panayam, sinabi ni Albie na kahit espesyal sa kaniya ang isa pang ex-PBB housemate na si Shanaia Gomez ay nais niya munang magpokus sa kaniyang career.

“We have so much going on right now. Sa akin, wala pa sa isip ko ‘yung anything more than what we have now. I want to focus on everything that I’m doing now. I’ve started hosting, and, of course, I’m still acting as well. Iyon muna talaga ang focus ko,” paliwanag ni Albie sa panayam sa ABS-CBN.

Ngunit aniya, hindi niya itinatanggi na gusto niya si Shanaia dahil mabait, matalino, nakakatawa at maganda umano ito.

“To be honest, wala pa akong oras para sa love life and stuff like that. But, I definitely like her. She’s a nice girl, smart, funny, and, of course, beautiful also,” dagdag ng aktor.

Samantala, kamakailan lang ay dinala ni Albie sa isang “sisig date” ang dalaga matapos niyang sabihin sa loob ng Bahay ni Kuya na hindi siya kumakain ng sisig dahil hindi siya nasasarapan sa lasa.

Pagkatapos ng date ng dalawa, nagustuhan naman ni Shanaia ang ipinatikim na sisig ni Albie.

The post Kahit gusto si Shanaia: Albie walang oras sa pag-ibig first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kahit-gusto-si-shanaia-albie-walang-oras-sa-pag-ibig/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kahit-gusto-si-shanaia-albie-walang-oras-sa-pag-ibig)