Balak umano ni Nadine Lustre na panatilihin ang kaniyang katawan kahit tumaba ito.

Sa Twitter ng aktres, ibinahagi niya na naging fitted na ang dating maluluwag na pantalon sa kaniya.

Aniya, kailangan na niyang bumili ng mga bagong damit dahil wala itong balak magpapayat.

“I used to have oversized jeans… now they all fitted,” pahayag ni Nadine sa Twitter.

“I need a new set of clothes cuz I’m keeping this bod,” dagdag pa nito.

Marami naman ang humanga sa pagiging confident niya sa kaniyang katawan.

“You are still sexy and beautiful though. it looks good on you,” saad ng isang netizen.

“Embracing your new figure, that’s what i love about u #MyKindOfGirl,” comment naman ng isa.

“Ok lang yan ms nadine….what is important is your happy and happily in love,” ani ng isa pa.

The post Kahit tumaba: Nadine gustong panatilihin malamang katawan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kahit-tumaba-nadine-gustong-panatilihin-malamang-katawan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kahit-tumaba-nadine-gustong-panatilihin-malamang-katawan)