Ibinunyag ni Department of Tourism (DOT) Sec. Bernadette Romulo-Puyat na nakatanggap sila ng ulat na may ilang pasaway na hotel na tumatanggap ng bayad mula sa mga balikbayan kapalit ng pagpayag sa mga ito na makalabas sa gitna ng mandatory quarantine.
Sa panayam ng CNN ngayong Lunes, sinabi ni Puyat na nasa dalawa hanggang tatlong hotel pa lamang ang napag-alamang gumagawa ng naturang modus.
Ayon sa kalihim, kapalit ng bayad mula sa taong dapat mag-quarantine ay papayagan ng hotel na lumabas ang mga ito at magpakita na lamang sa ikalimang araw ng kanilang quarantine para sa RT-PCR test.
“We have been hearing of this modus operandi na babayaran lang tapos magpapakita lang sa fifth day ng swab because if you’re fully vaccinated diba you get swabbed on the fifth day,” wika ni Puyat.
“Although we have been receiving already this news, even before this incident, people have already been informing us na they heard na may hindi nagka-quarantine sa hotel pero binabayaran lang yung hotel,” dagdag pa ng kalihim.
Dugtong pa ni Puyat, karamihan pa rin umano sa mga hotel ay sumusunod sa mga health protocol ngunit talagang may mga ‘masasamang itlog’ umano.
Aniya, iniulat na niya ang natanggap na report tungkol sa mga pasaway na hotel sa Philippine Coast Guard, Philippine National Police at Bureau of Quarantine. (mjd)
‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kapalit-ng-bayad-2-3-hotel-pinapayagan-lumabas-dapat-mag-quarantine/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kapalit-ng-bayad-2-3-hotel-pinapayagan-lumabas-dapat-mag-quarantine)
0 Mga Komento