Ibinuking ng ina ni Ivana Alawi na kawawa raw ang magiging boyfriend ng aktres dahil sa hilig nitong pagkain.
Sa pinakabagong vlog ng aktres, sinubukan nitong kainin ang mga healthy foods na kinakain ng kapatid na si Mona.
Si Mona kasi ay may diabetes kaya naman kadalasan ay puro gulay at sugar free ang kinakain nito bilang pag-iingat sa kaniyang kalusugan.
Sa nasabing vlog, noong una ay hindi nagustuhan ng sexy actress ang umagahan na inihanda ni Mona. Ngunit pagdating ng tanghalian ay nagustahan na rin niya ito.
“Ang saya pala pag-jinowa ‘to, healthy-healthy,” saad ni Ivana.
Sumingit naman si Mama Alawi at sinabing kawawa umano ang magiging nobyo ng aktres dahil sa hilig nitong kumain ng bulalo.
“‘Pag jinowa ka, kawawa. Panay bulalo,” hirit ni Mama Alawi.
Samantala, kagagaling lang nina Ivana, Mama Alawi, at Hash matapos magpostibo ng mga ito sa COVID-19.
(Sherrylou Nemis)
Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kawawa-magiging-dyowa-ivana-mahilig-sumupsop/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kawawa-magiging-dyowa-ivana-mahilig-sumupsop)
0 Mga Komento