Muling nagpa-nganga sa mga netizen ang bagong larawan ni Kendra Kramer sa Instagram.

Sa post ng kanyang ama na si Doug, ibinahagi nito ang bagong studio photo ni Kendra kung saan nag-pose ito na tila isang supermodel.

“No one in this world can love you more than me. I love you Kenny,” saad ni Doug sa caption.

Ang litrato ay kuha ni Jerick Sanchez habang sina Rain Dagala, Em Millan, at Jay Wee naman ang nag-ayos kay Kendra.

Hindi naiwasan ng mga netizen na tawaging ‘Little Catriona’ si Kendra dahil sa pagkakahawig umano nito sa dating Miss Universe.

“Little Catriona Gray,” komento ni itsjev1205 sa post ni Doug.

“Young Catriona indeed,” saad naman ni gettin_dolled_up.

“Future Miss Universe [Kendra Kramer],” wika naman ni ayen.lingganay.

Si Kendra ang panganay na anak nina Doug at Cheska Kramer. (MJD)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

The post Kendra Kramer tinawag na ‘Little Catriona’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kendra-kramer-tinawag-na-little-catriona/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kendra-kramer-tinawag-na-little-catriona)