Pinasinungalingan ng self-confessed drug dealer na si Kerwin Espinosa ang ulat ng NBI na tinangka umano niyang tumakas mula sa detention facility noong Enero 13.

Sa ulat ng 24 Oras, pinaliwanag ni Espinosa na iba ang kulungan niya sa kwarto na sinasabi ng NBI na iniba ang ayos ng exhaust fan.

Ayon sa naunang ulat ng NBI, sa naturang exhaust fan pinagtangkaan ni Espinosa, kasama ang dalawang preso, na lumusot upang makatakas sa naturang pasilidad.

Kaya naman hinigpitan na ang seguridad sa detention facility ng NBI.

Gayundin, iminungkahi ng Department of Justice na ilipat sa ibang kulungan si Espinosa.

Si Espinosa ay nasa detention facility ng NBI kaugnay ng kasong illegal drugs. (MJD)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

The post Kerwin Espinosa itinanggi planong pagpuga sa piitan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kerwin-espinosa-itinanggi-planong-pagpuga-sa-piitan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kerwin-espinosa-itinanggi-planong-pagpuga-sa-piitan)