Sumakabilang buhay na si Ernesto Fajardo o mas kilala bilang ang komedyante na si Don Pepot noong Martes.

Ayon sa pahayag ng kanyang anak na si Michael, pneumonia ang ikinamatay ni Don Pepot dakong alas-8:35 ng gabi.

Siya ay pumanaw sa edad na 88.

Ang huling paglabas ni Don Pepot sa pelikula ay noon pang 2012, para sa ‘Si Agimat,Si Enteng Kabisote at Si Ako.’

Ngunit nakilala pa rin ito bilang batikang komedyante buhat ng magsimula ang kanyang karera noong 1964.

Noong 2018, kinilala si Don Pepot sa isang programa ng GMA na Sunday Pinasaya dahil umano sa kanyang kontribusyon sa mundo ng komedya. (MJD)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

The post Komedyanteng si ‘Don Pepot’ pumanaw na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/komedyanteng-si-don-pepot-pumanaw-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=komedyanteng-si-don-pepot-pumanaw-na)