Pagkatapos ang intense na halikan at bed scene nina Kylie Versoza at Marco Gumabao, si Paolo Gumabao naman ang makakasama ng aktres.
Matatandaang nagkaroon ng mainit na ekesena si Kylie at Marco sa “My Husband My Lover.”
Ngayon, sa palabas na “Sisid” makakasama naman ni Kylie si Paolo.
Pahayag ng aktres, magaling na aktor si Paolo at napatunayan niya ito.
“Narinig ko na magaling siya and I confirmed it. Mahusay nga. I’ve worked with his older brother, Marco. And I can see Marco in him,” ani Kylie.
Dagdag pa niya, nakakahawa rin umano ng energy sa set si Paolo, maging ang isa pa nilang kasama sa pelikula na si Vince Rillon dahil bigay na bigay ang mga ito.
“It’s a nice experience working with both Direk Brillante and with Paolo. Nakakahawa ang energy ni Paolo and also ni Vince Rillon. Lagi silang bigay na bigay,” saad pa ng aktres.
Samantala, makakasama ni Kylie at Paolo sina Christine Bermas at Vince Rillon sa “Sisid” na mapapanood sa Vivamax.
(Sherrylou Nemis)
‘Best of Sportalakan’ Sabong edition
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kumpirmadong-magaling-kylie-tinuhog-magkapatid-na-marco-paolo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kumpirmadong-magaling-kylie-tinuhog-magkapatid-na-marco-paolo)
0 Mga Komento