Isasailalim ang lalawigan ng Laguna sa Alert Level 3 mula Enero 7 hanggang Enero 15, batay sa anunsyo ng Palasyo nitong Miyerkoles.
“The Inter-Agency Task Force (IATF) approved tonight, January 5, 2022, the recommendation of its sub-Technical Working Group on Data Analytics to escalate Laguna to Alert Level 3, due to the rising number of Covid-19 cases in the province,” wika ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles.
Dahil dito, ang Laguna na ang ikaapat na lalawigan na isinailalim sa Alert Level 3.
Una nang inilagay sa naturang alert level ang Rizal, Bulacan at Cavite, na epektibo mula Enero 5 hanggang Enero 15.
Ang Metro Manila o NCR ay nasa Alert Level 3 rin mula Enero 3 hanggang Enero 15.
Samantala, ang mga natitirang bahagi ng bansa ay nasa ilalim pa rin ng Alert Level 2.
The post Laguna Alert Level 3 na rin – Palasyo first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/laguna-alert-level-3-na-rin-palasyo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=laguna-alert-level-3-na-rin-palasyo)
0 Mga Komento