Iminungkahi ng dating special adviser ng National Task Force for COVID-19 na si Dr. Tony Leachon sa pamahalaan na magkaroon ng mas maayos na schedule sa paglalarga ng house-to-house vaccination.

Sa kanyang komento sa artikulo ng Abante News, sinabi ni Leachon na para mas maging epektib ang pagbabahay-bahay, dapat ay iba ang schedule ng turok para sa booster shot at iba naman para sa mga tuturukan pa lamang ng unang dose ng COVID vaccine.

“Schedule separately: for boosters, one dose, then house to house or use mobile vans for unvaccinated,” saad ni Leachon sa kanyang Twitter post.

Bukod pa rito, inihirit din ni Leachon sa Palasyo na maglatag ng timeline para sa mga hindi pa nababakunahan sakaling alam na nila ang dahilan kung bakit ayaw paturok ng mga ito.

“Maybe Palace should set a timeline for unvaccinated individuals after addressing variable reasons behind this low turn out,” dagdag pa ng dating NTF adviser.

Ang komento ni Leachon ay tungkol sa artikulo ng Abante kung saan nakasaad na nais ng Palasyo na palakasin pa ang house-to-house vaccination sa bansa.

The post Leachon may mungkahi para house-to-house turukan epektib first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/leachon-may-mungkahi-para-house-to-house-turukan-epektib/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=leachon-may-mungkahi-para-house-to-house-turukan-epektib)