Sisimulan ngayong Sabado ang pagbibigay ng libre at random na COVID antigen test sa mga pasahero ng Light Rail Transit 1 (LRT-1).

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), bukod ngayong Sabado ay magbibigay din ng libreng test sa Lunes, Enero 17.

Ang mga bibigyan lamang ng testing ay ang mga magboboluntaryo na pasahero.

Samantala, ang mga testing site ay matatagpuan sa mga istasyon ng EDSA, Baclaran, Monumento at Carriedo.

“LRMC is targeting to have at least a total of 40 passengers to be tested from 7 am to 5 pm. The turnaround time for the whole procedure is approximately 15 to 20 minutes per passenger,” pahayag ng DOTr.

Ang mga magpopositibo sa antigen test ay hindi pasasakayin ng tren, samantalang ang mga negatibo ay bibigyan ng libreng beep card.

The post Libre, random antigen test sa LRT-1 ilalarga first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/libre-random-antigen-test-sa-lrt-1-ilalarga/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=libre-random-antigen-test-sa-lrt-1-ilalarga)