‘Di nagustuhan ni Kim Atienza ang kinahinatnan ng 80-anyos na lolo na inaresto dahil umano sa pagnanakaw ng mangga.
Ayon sa ulat, inaresto si Narding Floro sa Asingan, Pangasinan dahil sa pagnanakaw ng 10 kilo ng mangga.
Ngunit depensa ni Floro, pinipitas niya ang bunga ng puno dahil tanim niya ito at binakuran lamang ng mga nang-aakusa sa kanya.
Nagtangka pa umano ang lolo na makipag-ayos at bayaran na lamang ang nakuha niyang mangga ngunit ‘di pumayag ang kanyang mga taga-usig.
Sa comment section ng post ng isang news site, isa si Kuya Kim sa mga nabadtrip sa pagtrato sa lolo.
“I would like to pay for his bail and legal services. How may I get in touch with Lolo? This makes my blood boil. Back to you guys. seriously,” saad ni Kuya Kim sa kanyang komento.
Bukod kay Kuya Kim, sangkatutak na mga netizen ang nagalit sa ginawa sa matanda.
The post Lolo dinakip dahil sa mangga; Kuya Kim kumulo ang dugo first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lolo-dinakip-dahil-sa-mangga-kuya-kim-kumulo-ang-dugo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lolo-dinakip-dahil-sa-mangga-kuya-kim-kumulo-ang-dugo)
0 Mga Komento