Ang mga pasahero na magpapakita ng mga pekeng vaccine card o medical certificate sa pagpapatupad ng “no vaccination, no ride” ay maaaring makasuhan ng criminal offense.

Sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)-National Capital Region Director Zona Tamayo na ang vaccination card at medical certificate na mula sa lokal na pamahalaan ay pampublikong dokumento, kaya ang pamemeke nito ay maaaring magresulta sa pagkakasalang kriminal.

“Criminal offense po ‘yan—merong imprisonment, meron pang penalties ‘yan. Medyo mabigat ‘pag sinabi nating criminal offense,” ani Tamayo.

Kamakailan lang, ipinagbawal sa NCR ang pagsakay sa pampublikong transportasyon ang mga hindi bakunadong indibidwal upang maiwasan ang pagdami ng impeksyon ng COVID-19.

The post LTFRB: Pasaherong magpapakita pekeng vax card, medical certificate kakasuhan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ltfrb-pasaherong-magpapakita-pekeng-vax-card-medical-certificate-kakasuhan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ltfrb-pasaherong-magpapakita-pekeng-vax-card-medical-certificate-kakasuhan)