Napasama pa para kay Korina Sanchez ang pag-flex na hindi pa siya tinatamaan ng COVID-19.

Sa isang Instagram post, pinagmalaki ni Korina na hindi siya tinatamaan ng virus dahil mapagbigay siya.

“Imagine. Lahat nagka-COVID na. Ako never pa, and I’m all over,” saad ni Korina sa post na burado na ngayon. “Thank you, Lord. Sadya akong pinagpala kase dami ko tinutulungan?”

Bagamat nabura na ang post, ‘di ito pinalampas ng mga netizen na tinawag si Korina bilang insensitive at ‘tone deaf.’

Kaya naman noong Lunes, muling nag-post si Korina at siniguro na wala ng masasabi pa ang mga basher.

“Thank you Lord. So many sick and infected. I’ve never been positive—- even as I’m all over for work I have to do. Frontliner pa ako ngayon sa househelp and driver ko. Help me help others through this pandemic. Kaya natin ito,” aniya.

Matatandaang na-bash na rin si Korina dahil sa pag-inom ng Ivermectin bilang proteksyon laban sa COVID-19. (MJD)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

The post Mabait kasi ako! Korina niyabang na hindi tinatamaan COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mabait-kasi-ako-korina-niyabang-na-hindi-tinatamaan-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mabait-kasi-ako-korina-niyabang-na-hindi-tinatamaan-covid)