Ibinahagi ni Maine Mendoza sa kanyang mga Twitter follower ngayong Sabado ang kanyang nararanasang hirap bago makatulog.

Sa Twitter post ni Maine, makikita na alas-4:23 ng madaling araw ay gising na gising pa ito.

“Still up!!! Ughhh i’m having trouble sleeping recently, idk why but it’s really stressing me out,” saad ni Maine sa kanyang tweet.

Kwento pa ng aktres, hindi lamang ngayong Sabado kundi pati sa mga nakaraang araw ay nahihirapan na siyang matulog.

“The other day i was awake for 36 hours straight and mukhang mangyayari ulit today. Melatonin didn’t work,” dagdag pa ni Maine.

Sa comment section naman ay bumuhos ang mga kwento ng mga netizen na pareho din ang karanasan kay Maine. (MJD)

The post Madaling araw gising pa! Maine hirap makatulog first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/madaling-araw-gising-pa-maine-hirap-makatulog/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=madaling-araw-gising-pa-maine-hirap-makatulog)