Dumalo sa binyag ng anak ni Liloan Mayor Christina Garcia-Frasco noong Enero 15 si presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., higit isang linggo matapos siyang ‘di makadalo sa pagdinig ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa masamang pakiramdam.

Naispatan si Marcos, kasama ang kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa mga larawang pinost ni Frasco sa Facebook.

Ang binyag ay naganap sa Chapel of San Pedro Calungsod sa Cebu City.

Sina Marcos at Duterte ay ninong at ninang sa anak ni Frasco.

“Due to recent circumstances, we opted to postpone the reception to a later date. Instead, we had a small al fresco dinner with family and godparents after the baptism,” pahayag ni Frasco, na anak ni Cebu Gov. Gwen Garcia.

Si Frasco ay tumatayo ring tagapagsalita ni Mayor Sara. Gayunman, hindi ito nagbigay ng pahayag tungkol sa pagdalo ni Marcos, na matatandaang galing sa sakit noong nakaraang linggo.

Dahil sa kanyang masamang pakiramdam, kahit via Zoom ay hindi nagpakita si Marcos noong Enero 7 sa pagdinig ng Comelec sa kanyang disqualification case. (MJD)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

The post Magaling na sa ‘Zoomicron’? Marcos Jr. naispatan sa binyag first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/magaling-na-sa-zoomicron-marcos-jr-naispatan-sa-binyag/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=magaling-na-sa-zoomicron-marcos-jr-naispatan-sa-binyag)